Reminiscing our Japan trip


This seems to have taken far too long, but hey! It’s the 100th entry on my blog!!! *confetti* *cheers* *confetti* Both my blogs in Multiply and Blogger have never reached 100 entries before, as far as I can remember. And to mark this achievement, I have a very special guest blogger…

*drum roll please*

None other than Pats! You may only know her as the pretty lady (yessss) in my photos. Now, you’ll be able to read her thoughts as well! Apologies, however, to my non-Filipino readers as this entry is mostly in our native language. I can translate it for you later on, should you insist. Hehe…

So, without further ado, I bring you Pats’ not-so-short story – the continuation of our Japan trip.

Pats, pasooook!!!

ati, wag po… baka dumating na si koya… “Pats, taking over Papi(WasThere)”

Yesss! Guest blogger! Kaka-kulit kong i-blog ni Tots yung continuation ng Japan entry niya, i-try ko daw mag-guest blogger at ituloy ko na lang daw ang kwento ngJapantrip namen.

Ang ganda pakinggan – Guest Blogger.

Sige na nga, para maging blogger na din ako. Blog ko naman talaga to, puro pictures ko kaya! Dapat ata palitan na rin yung blog name nito, gawing: Puro-Si-Pats-There.wordpress.com πŸ˜›

Pero sa totoo lang sa isip-isip ni Tots: ”Ang kulit mo, ikaw kaya magblog??”.

Hah! Challenge Accepted!

Pero…….. Tagalog lang tayo ha. Perstaym! Ayaw ko kayong mag-nosebleed. Concerned ako sa mga followers ni Tots. Followers talaga. Marami yan, mga dalawa. TQ, raise your hand! Ako yung isa syempre. πŸ˜›

Pats was here, and there, and everywhere!

Anyhoo, let me share some trivia about me first. Di talaga Pats ang pangalan ko. Ang unang naisip ng parents ko na i-pangalan sa akin, Maricel. Parang mabait eh no? Kaya pinalitan, ginawang Rossana. Tunog bold star no? Eh kase nakahubad ako nun pinanganak, sino bang hinde? Speaking of pangalan, Japan’s other name is Nihon or Nippon – ayun, na-i-segue.

So, ituloy na natin ang Japan Adventure Part 2. Pero para ma-refresh kayo ng part 1, click niyo to.

We’re turning Japanese. We think, we’re turning Japanese. We really think so!

After naming libutin ang Kyoto, Nara at Osaka, bumalik na kami ng Tokyo via bullet train. Syempre, di kumpleto ang trip namin kung di man lang namin masisilayan si Mt.Fuji, Apple.

uhh.. hindi ito…

nakikita nyo ba ang pisngi ng Mt Fuji??? Yan na yon! 😦

Mailap daw talaga si Mt Fuji. Ang suggestion ng new found friend namin na si Sayo, sa Hakone na daw kami mag-Mt. Fuji watching. By the way, Sayo, who was born in Japan, and lived there her entire life, haven’t seen the famous Mt Fuji. Eh kung ganon, bakit nga ba kami nakinig sa kanya???

bound for Hakone, with our Bento Boxes

Pagdating sa Hakone station, may real-time video na pinakita sa amin yung tourism officer, kung saan visible si Mt Fuji Apple. Ganun sila kahigh-tech! With all its glory, kitang-kita ang tuktok ng Mt. Fuji. Unfortunately, pagdating namin sa site, cloudy na at umaambon. Nagtatago totally sa clouds si Mt Fuji apple.

kain muna, tagal magpakita eh…

With our bento (lunch) boxes, nag-antay pa kami ng ilang oras kung sisilay pa si Mt Fuji. Kaso, kakapiranggot lang ang nakita namin. Feeling ko nga imahinasyon pa namin yun sa ka-desperaduhan naming makita siya.

want some? πŸ˜€

authentic Japanese lunch! hehe

Buti na lang maganda ang view kaya nag-enjoy pa din kami sa sightseeing at sa pagpapalipas ng oras. Our other option was actually to try the Onsen bath (hot spring), pero umaambon na rin at nilalamig na kami, kaya umalis na lang din kami at nagpunta ng Odaiba.

errr.. naliligaw ka te?

Odaiba is a popular shopping and sightseeing destination inTokyo. It’s an artificial island, kaya major lamig and mahangin ba sa labas. Suklay te? Some of the famous attractions are: the Rainbow Bridge; Venus Fort – a Venice themed shopping mall; Daikanransha – a 115-meter Ferris Wheel; and replica of the statue of Liberty.

Venus Fort bound, pero mahalia ang taxi, lakad lang…

love is in the (cold) air…

Popular date place din siya for couples na gustong mag-MOMOL (make-out, make-out lang) or mag-LQ.

We did the latter, LQ naman para maiba:

Pats : Punta tyo dun sa island (turo sa mejo malayong lugar)
Tots: Mag-isa ka… Ang lamig lamig eh..
Pats: (Mag-isa pala ha.. Manigas ka jan..)… sabay iwan ke tots…

Ayan may sharing pa ko ng away namin. Just to prove na nag-LQ talga kami.

nag-so-solo… mainit ang ulo eh… hehe

Nang di na namin makayanan ang sobrang lamig at lakas ng hangin sa Odaiba, we went to Ueno to do some shopping and food-tripping. Mahilig talaga ang mga Japanese sa slot machines! Sa Ueno, hile-hilera ang mga gaming shops, at punuan silang lahat. I think that’s how the Japanese people release their stress. Kasi mga naka-coat and tie pa ang mga naglalaro, mga galing sa work. National costume na ata nila ang coat and tie, kapalit ng kimono. Kasi lahat ng lalaki na naglalakad sa kalsada ay naka-coat, parang laging may conference meeting. Na-OP pa nga si Tots na naka-shorts lang. Next time daw, mag-c-coat na rin siya. Naks! May next time!

close kaya kami ni Auntie…

spending the night the way locals do… kampai!

The next day, we went to Akihabara and checked out theMangaMuseum. Kaso disappointing dahil isang maliit na shop lang siya. Buti pa ang 7-11, maraming laman at tinda.

Good thing, nakita ni Tots yung Gundam CafΓ©, at nagpapicture agad. Excited! Akala ko me kakaiba sa kape nila, tipong may mga lumulutang na piraso ng Gundam, tapos bubuuin namin.

ayun, nagpa-picture… di nakatiis…

gusto atang mag-uwi ng Gundam figurines…

Akihabara is known sa mga gadgets and electronics. Sadly, wala kaming budget for that, kaya hanggan tingin at paglalaway na lang.

pakalat-kalat lang ang shops ng Hentai sa Akihabara… hehehe

Hinanap din namin si Hachiko sa Shibuya station. Kasama talaga sa itinerary si Hachiko! Sa mga hindi pa nakakapanood ng movie nya, watch na kayo at magready ng tissue.

Nanigas na si Hachiko sa kaka-hintay…

Then we had coffee at Starbucks, right across the Shibuya station. Well, gusto lang talaga namin ma-experience tumawid ng Shibuya Crossing dahil famous siya sa sobrang dami ng tao na dumadaan dun. Fascinating panoorin yun mga tumatawid, daig ang tao sa Divisoria!

a portion of Shibuya Crossing, our view from the Starbucks

Medyo maulan na nung nag-punta kami ng Harajuku, pero go pa din kami sa paglilibot ng naka-transparent na payong, feeling Japanese lang. Wala nga lang kaming masyadong photos kasi mababasa ang cam. Pero madami kaming na-spot na mga Harajuku girls. Ang cute cute nila. Nahiya lang ako mag-pa-picture with them.

shopping shopping muna…

ang aming transparent na payong πŸ˜€

And on our last day, we went to Tsukiji Market where we had the freshest sushi. Di namin na-research kung saang resto the best ang sushi. So nung naghahanap kami ng kakainan, ang hinahanap namin eh yun box office. Nakita namin si Sushi Dai na sobrang box office ang pila!

sooooo excited and hungry! oo, box office na to, antagal ng turn-around time!

May more than one hour kami pumila dahil 10 customers lng ata ang kaya nilang i-accomodate. Kaya pla box office, walang pwesto. Wala silang conveyor belt, like Sushi King and Sushi Zanmai. On-the-spot nila ni-p-prepare yung food at ilalapag sa harap mo. Pero masarap! No wonder tinatyaga silang pilahan.

our Sushi Chef

We had: fatty tuna belly, salmon, octopus and dilis-look-a-like na fish na gumagalaw pa. Parang fear factor lang. The best ang fatty tuna belly!

look at all that tuna belly! ang saraaaaaap!!!

now look at this… eewwwww :p

at nag-enjoy si Tots sa kanyang Chef’s Menu- 10 different Sushis

In Kyoto, we also visited Nishiki market. Mas malinis and more interesting. Mas-like ko sya kesa sa Tsukiji Market.

pasyal-pasyal sa Nishiki Market

Malapit-lapit sa Tsukiji ang Ginza, kung saan andun ang mga high-end shops: Lanvin, LV, etc. Naligaw kami sa Ginza kakahanap namin ang Long Champ ni Kristin. Kaso, wala yung gusto niyang bag. Kaya…ako na lang binilhan ni Tots ng bag.

pagkatagal-tagal hinanap! napabili tuloy… hehehe

Tapos nag-tantrums! Dahil ata binilhan ako ng bag. Yun pala kasi gutom na, nagsusukat pa ko ng mga damit. Savior ang mga vendo machine! Calpis lang, sumaya na si Tots.

Calpis: Gawing tubig ang Yakult!

Sinubukan din naming kumain ng Ramen dun sa malapit lng sa hostel, box office din kasi siya kapag nadadaanan namin. A big bowl of ramen only costs 450 yen. Sobrang sarap at nakakabusog. Swakto sa malamig na panahon!

Interesting yung pag-order ng ramen, may vendo machine sa labas to select your order. Akala ko nung una, dun lalabas yung ramen, yun pala order slip yun lalabas at yun ang ibibigay mo sa chef para i-peprepare nya yung order mo. Pero knowing Japan, for sure meron silang vendo for Ramen.

may nagugutom… na naman… πŸ˜›

Kung mahaba-haba lang ang aming bakasyon, i-t-try namin hanapin yun mga unique vendo machines sa Tokyo, such as: the apple, banana, and burger vendo machines. They also have shampoo and t-shirt vendo machine. Di mo na kelangang mag-grocery at mag-McDo!

Back at our hostel, after Tots did the master packing, we enjoyed their free sake, and a free lesson in origami. The best way para makipag-bonding sa mga friendly receptionist ng hostel.

Sake yan! At nakarami kame… hahahah

Origami 101 with Nabe-san

And… That’s it! Ang haba no? Pero words are not enough to describe the fun we had during this trip. Kelangan niyong i-experience, pramis!

wasak! sa tea…

Ayan, mag-comment naman kayo, kasi ”guest blogger” ako. Kailangan ko talagang i-emphasize..Hehe. Mwah!

Best Trip, so far! πŸ˜€

– Pats

Advertisements

34 thoughts on “Reminiscing our Japan trip

  1. haha! galing mo Osang…i usually do blog marathon once a month, an u r now officially on my list of bloggers! At sa listahan ko ha, si Papi Jare pinaka tamad..HAHAHA! Don’t wait for the 200th entry to do this again Osang… (step aside Papi!) πŸ˜› Super like ko yung Hachiko picture mo…wala lang crayola kc ko sa movie na yun tsaka yung kumakain ka ng bento sa Mt Fuji Apple parang gusto ko kc agawin kinakain mo…hehe πŸ™‚ Ulitin mo to ha… πŸ˜‰

    Like

    1. Hahaha apir! Kunyari lang yun epek na 100th entry ako.. Tinatamad lang sya magblog..
      Ay naku umiyak ako ng balde balde sa hachiko.. Kaya sabi ko puntahan talaga namin yun statue nya..
      Sana natuwa ka sa mga pictures! Dinaaan ko talaga sa pictures eh..
      Gagawa na ko ng sarili kong blog.. Patswaseverywhere hehe πŸ˜‰

      Like

  2. ayown! japan is it?! hehehe πŸ™‚ parang blog lang ni chuvaness ang binabasa ko. hehehe. infairness, nakita ko ang pisngi ng mt fuji sa picture but i still have to experience this so-called “Best Trip, so far!” πŸ™‚ si keo na daw ang guest blogger for SK. LOL! baguhin na ang title ng site na ‘to, dapat -> tots and pats was here

    Like

  3. dumi-divine-lee na talaga! ahaha! next entry, his and hers version naman. πŸ™‚
    napaka-wholesome naman pala ng packaging ng sake. parang juice lang πŸ™‚ soju sa korea ha, mga tig isang bottle kayo! at papi, may chance pa ang coat and tie mo sa korea. πŸ™‚ trending din yun dun.
    osang kulang pa kwento mo, di mo nasama yung “nakita” nyo nagbibike sa kyoto. πŸ˜€

    Like

    1. Hahaha.. Pede ba ang P + T na tag sa men, parang D + V.. Yess!
      Sige itry namin ang soju, ano bang lasa nun? Yun sake kasi parang juice, pero lakas makahilo..
      Naku nacover na yun ni Tots sa kyoto eh, di nya lang nidetalye, baka ma-MTRCB..

      Like

  4. Ahemmmm…. Maayos ah… Suklay Te? At momol.. Ayun ang Mga highlights para saken. Hehe…

    Good job… Parang kasama ako sa trip. Uulitin mo mag guest… Bye, Maka momol na nga.

    Like

    1. thanks buddee! may talent talaga ako sa pagsusulat sa tingin ko eh.. =P
      puro kalokohan na ang laman ng blog na to pag nagkataon.. hehehe

      Like

  5. ava men! napa-comment talaga ako sa blog mo…hehehe πŸ˜› beri gud ang iyong first guest blogging! πŸ˜‰ dapat i-finalize nyo na yung schedule ng guest blogging mo..hehehe.

    Like

    1. hi men!! huwaw nasurprise naman ako! kahit di kita pinilit magkoment nagkoment ka.. hahahaha..
      sigi yun next 100th entry ako ulit magblog πŸ˜›
      mwah mishu

      Like

  6. AHA.. !!!at last nabasa ko din… infairness ang GUEST BLOGGER na si Pretty Lady pwede ng maging blogger.. hehehehehhee.. ang favorite ko sa lahat is ung Hachiko kasi naman sobrang naiyak ako dun sa movie na… hahha kahit hindi ako mahilig sa aso.. πŸ˜› Keep it up Osang galing mo. I hope sa susunod kasama na ako sa susunod na trip nyo.. SOON!!!!!!!!!!! πŸ™‚

    Like

    1. ang tagaaaaalll magbasa! hehehe alam ko naman may pinagkakabusyhan ka.. yun sa susunod na trip ikaw na daw ang guest blogger.. yesss… magready ka na.. magtake down notes ka ha.. mwah

      Like

      1. ay ay ay.. gusto ko yan.. baka hindi ma nosebleed ung makakabasa…. for sure kumbulsyon ang abutin nya.. πŸ™‚

        Like

  7. Nakita q tong blog mo sa expat-blog.com. natawa naman ako sa ist photo haha.. lupet! wow sana makapag Japan din aq. Hachiko! Napanood ko yang movie na nakakalungkot. sana mapadpad din ako jan… πŸ™‚ Love et!!!! πŸ™‚ ang saya naman ng blog na to. Im a follower na.. πŸ™‚

    Like

    1. Hi Riz! Thanks for dropping by and sa pag-follow. Malaysia Boleh! hahah
      I saw your travel blog as well, good thing you “brought it back to life”. πŸ™‚

      Aim for Japan! You’ll never regret it. And besides, mas madaling kumuha ng Tourist Visa dun kesa sa Korea…hehe *with all bitterness*

      Like

  8. Niichan!!!

    Sige na. Kayo na ni ate ang nakapunta sa Nippon. Kmusta naman si Maria O? Wahahaha.jk

    Mas magaling magkwento so Guest Blogger. *pis kuya*

    Like

  9. Pingback: Unwritten Thoughts
  10. Happy 100th blog papi. parang tv show me special guest. hehe.
    Twinnie, you are a certified blogger now! na miss ko ang mga terms mo such as MOMOL. haha. love the photos and comments and side comments. πŸ™‚

    You guys should have a special edition called “He Said… She said”. πŸ˜‰

    Like

What say you?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s